Mahigit dalawang taon ko pala hindi nabisita ang blog ko na ito. Maraming dahilan bakit halos napabayaan ko ang Talaang-Buhay. Ngayon ay balak ko ituloy ang mga naudlot na kwento. Sana maipagpatuloy ko at maging mas madalas ang pagsusulat nang sa gayon ay unti-unti na rin mabuo ang plano kong libro.
Hindi ko tiyak kung may nagbabasa pa rin nito, pero sisikapin ko na mabuhay ulit ang blog. Hayaan nyo muna ako mag-isip ng paraan at magbalik-tanaw para may maibahagi akong mas marami pang kwento sa inyo.
Maraming salamat po.
RSZ